Mula nang pumutok ang pandemyang dala ng coronavirus disease of 2019 (Covid-19), marami sa mga Pilipino ang nawalan ng trabaho at pagkakakitaan dulot ng pagsara ng mga negosyo at pagawaan.

Marami and umaasa nalang sa tulong na bigay ng gobyerno na paminsa-minsan ay delayed kung dumating. Ang iba ay umaasa sa ayudang bigay ang mga kapamilya at kaibigan.

Subalit, habang ang iba ay naghahanap ng mapagkakakitaaan, marami naman ang relax na relax lang at nasa bahay nagtatrabaho ang kumikita. Anu-ano nga ba ang puwedeng pagkakakitaan sa panahon ng pandemya?

Kung meron kang computer at internet connection sa bahay, hindi mo na kailangan pang lumabas para maghanap ng trabaho o raket. May mga website na puwedeng puntahan upang makahanap ng freelance works.

Isa na rito, at isa ito sa pinakamalaki sa buong mundo, ang Upwork, isang website para sa mga freelancers. Kung marunong kang magtype, mag encode, at gumamit ng Word o Excel, may mga naghahanap ng encoders at data entry workers sa nasabing website.

Kung ikaw ay isang accountant or banker, may mga trabahong swak sayo, gaya ng basic accounting, bookkeeping, data entry, financial statement preparation at iba pa.

Kung ikaw naman ay graphic designer, programmer, o may alam sa illustration, meron ding mga raket para sa iyo sa nasabing website. Mahilig ka sa pagsusulat? May mga writing jobs na puwede mo ring aplayan.

May iba’t ibang website na puwede mong puntahan para maghanap ng raket habang ang Pilipinas ay nasa ECQ / GCQ pa. Kailangan lang ang sipag at tiyaga dahil hindi naman agad-agad na ikaw ay matanggap bilang freelance workers.

Ang isang freelance worker ay puwedeng mag set ng kanyang presyo per hour or per projet. Pero kung ikaw ay baguhan sa freelancing, mas mabuti na piliin mo muna ang mga trabahong nababagay sa iyo na puwede mong gawin sa hindi kalakihang presyo.

Ika nga nila, the more projects you finished, mas gaganda ang iyong profile at makikita agad-agad ng mga employers kung anong klase ka kung magtrabaho.

Kahit sa panahon ng pandemya, hindi nating puwedeng iasa nalang ang lahat sa gobyerno or sa mga kaibigan at kapamilya. Kailangan din nating maghanap ng paraan para kumita at mabuhay. Samahan na rin ng sipag, tiyaga, at panalangin. – BusinessNewsAsia.com

Share.